Wednesday, July 29, 2009
Papuri sa WBO
MANILA—Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.
Noong huling linggo, sa aking huling kolum, naisulat ko na ayon sa naunang napagkasunduan namin ng kapwa naming promoter na Top Rank Inc. ni Miguel Angel Cotto, walang nasaad na title fight dahil na rin sa 145 pounds ang catch weight na napagkayarian at kulang ng dalawang pounds para sa totong welterweight limit. Ito ay ang nire-require ng lahat ng world governing bodies kasama na ang World Boxing Organization (WBO) sa pangunguna ng president nitong si Ginoong Francisco Valcarcel.
Noong sinusulat ko iyong kolum, hindi ko pa nabalitaan na ayon sa WBO, maari naman nilang i-sanction pala ang laban namin kahit na nagkasundo kami ni Ginoong Cotto sa catch weight na 145 pounds. Nang malaman ko ang magandang balita at dahil na rin sa magandang hangarin ng WBO na pagkilala sa magandang match namin ni Cotto, kaagad kong tinawagan ang aking abogado at kaibigan na si Franklin “Jeng” Gacal Jr. na makipag-ugnayan kaagad kay Ginoong Valcarcel at ang aking promoter na Top Rank Inc. sa pamumuno si Bob Arum upang tanggapin ang alok na sanction ng WBO sa aming laban sa Nov. 14 sa Las Vegas, Nevada, sa magara at malawak na MGM Grand Garden Arena.
Binibigyan ko ng papuri ang WBO sa kanilang espesyal na pagbibigay ng konsiderasyon na ang laban na ito ay para sa korona ni Cotto, ang pinakamagaling na welterweight sa mundo sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng pag-sanction ng WBO sa laban namin, mangyayaring magkakaroon ako ng tsansa na maging isang seven-division champion, na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng boxing.
Tanging si Oscar Dela Hoya lamang ang nakakagawa pa ng ganitong record sa kasaysayan ng sport na ito at ako ay magkakaroon na ng tsansa na malampasan ang ganitong record.
Kahit na tinalo ko si Ginoong Dela Hoya sa 147 pounds na limit, wala naman siyang korona sa 147 pounds noong naglaban kami. Opo, talagang malaki ang aking handicap kapag lumalaban ako sa ganitong timbang dahil lubhang mas malalaki ang aking mga kalaban sa ganitong weight class. Sa pagtanggap ko nitong laban kontra kay Miguel Cotto, alam kong matinding pagsubok na naman ang nasa aking harapan at matinding ensayo na naman ang aking gagawin.
Inspirado ako na simulan na ang training pero marami pa rin akong mga obligasyon sa labas ng boksing gaya ng pag-shoot sa ilan pang commercial at sa pag-tape ng mga episodes ng aking mga susunod na TV shows sa GMA 7. Nitong Lunes din, sumama ako sa State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at nagpapasalamat din ako sa pagbanggit niya ng aking pangalan at ang pagkilala niya sa aking kasipagan at pagkamaka-Diyos bukod sa aking pag-train na walang puknat, matinding disiplina sa sarili, na ilan sa mga sangkap ng aking pagiging kampeon at pagiging “pinakadakilang boksidor sa kasaysayan.”
More power po sa inyong lahat.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
Source: http://philboxing.com/news/columns.php?aid=1130&id=26095
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.