Home | Pacquiao vs Cotto | Pacquiao vs Cotto News | Pacquiao vs Cotto Updates | Pacquiao Cotto 24/7 Episodes | Pacquiao vs Cotto Online Live Streaming

Mayweather vs Ortiz Online Live Streaming

Mayweather vs Ortiz Online Live Streaming, News and Updates, Mayweather Ortiz 24/7

Sunday, August 23, 2009

Pag-asinta sa WBC Diamond Belt


MANILA—Isang magandang araw ang aking inihahandog sa inyong lahat, mga masusugid kong tagasubaybay ng kolum na ito. Malapit na namang matapos ang isang linggo at sa pagdating ng Setyembre ay magsisimula na tayong maghanda para sa susunod na laban.

Marami pa ring mga bagay-bagay ang aking tinatapos sa kasalukuyan at ilang araw na lang ay uumpisahan na ang pag-train kontra kay Miguel Cotto ng Puerto Rico, ang kampeon ng welterweight division. Mabilis maubos daw ang mga tickets sa takilya dahil alam ng nakararami na isang matinding sagupaan ito ng mga magigiting na mandirigma sa ring.

Inaasahang dadagsa ang maraming fans ng boxing sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada dahil alam ng lahat na kapana-panabik ang magiging laban naming dalawa ni Cotto dahil ang style namin ay lumalaban ng walang atrasan, walang sumusuko sa matinding bakbakan.

Si Cotto, ang kampeon ng World Boxing Organization, ay magtataya ng kaniyang welterweight belt kahit na ang paglalabanan namin ay 145 pounds catchweight at hindi ang 147 pounds limit.

Pati na rin ang World Boxing Council (WBC) ay naging interesado sa laban na ito. Nabalitaan ko na ibibigay ng WBC ang kauna-unahang Diamond Belt na isang espesyal na sinturon para sa mga catchweight na labanan. Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng WBC sa pangunguna ni Don Jose Sulaiman at ang kaniyang anak na si Mauricio sa pagbibigay ng parangal na ito para sa mananalo sa laban. Isang karangalan ang lumaban para sa koronang ito.

At dahil ang WBC ay isa sa pinaka-prestihiyosong world governing boxing body gaya ng WBO, isang malaking pagkakataon ito upang makamit nating lahat muli ang isa sa mga pinakamadalang at pinakamataas na parangal sa sport na ito. Kung tayo ay papalarin, ito na ang ikapitong titulo sa ikapitong weight class, at malalampasan na natin ang record ni Oscar Dela Hoya na may anim.

Ayon sa balita, ang Diamond Belt na ibibigay ng WBC ay para sa mga laban na wala sa regular na weight class limit gaya ng kung saan kami magtutuos ni Cotto. Gayunpaman, dahil sa WBC ang magbibigay nito, magiging kasing-importante at kahalaga ito ng mga regular na belt.

Kung papalarin mang maging kampeon ng WBO at WBC, isusuot ko ang
korona at ang mga sinturon at bibigyan ng pagpapahalaga ang mga ito gaya ng mga ibang mga sinturon na aking nakamit sa loob ng aking career.

Sana, sama-sama tayong mangarap ulit at sama-sama tayong manalangin upang ang panaginip na ito ay maisakatuparan muli, sa tulong ninyong lahat, gaya pa rin ng dati.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Source: http://philboxing.com/news/columns.php?aid=1130&id=26684

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

How will the Pacquiao-Cotto match will end?

Fighters' Statistics

Manny Pacquiao Profiles, Statistics and Records
Miguel Cotto Profiles, Statistics and Records